GMA Logo candy pangilinan
PHOTO SOURCE: @candypangilinan /YouTube: Candy Pangilinan
Celebrity Life

Candy Pangilinan, na-diagnose na may shingles

By Maine Aquino
Published August 28, 2024 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

candy pangilinan


Inilahad ni Candy Pangilinan kung paano siya nagpapagaling sa shingles.

Ikinuwento ni Candy Pangilinan na siya ay na-diagnose na may shingles at kung paano siya nagpapagaling sa sakit.

Sa 15-minute YouTube vlog ni Candy, ipinakita niya ang kaniyang kondisyon at ibinahagi ang mga nararamdaman sa fifth day of isolation.

Una, ipinaliwanag niya kung bakit may gauze siya sa kaniyang mukha. Ani Candy, "Gauze na may sodium chloride. Nilalagay po ito kasi panglinis po ng sugat, ng virus."

INSET: 11
IAT: Candy Pangilinan
PHOTO SOURCE: @candypangilinan /YouTube: Candy Pangilinan

Ayon sa mayoclinic.org, ang shingles ay "caused by the varicella-zoster virus -- the same virus that causes chickenpox. After you've had chickenpox, the virus stays in your body for the rest of your life. Years later, the virus may reactivate as shingles."

Pagkatapos ay inilahad ni Candy kung paano niya natuklasang mayroon siyang shingles.

"I was supposed to be admitted in the hospital kasi po ang nangyari ay noong pumunta po ako, sa derma ako pumunta, akala ko problema [sa] skin lang kasi para akong may pimple. Medyo tinatamaan 'yung eyes ko. Parang nahihilo ako, akala ko kailangan ko rin ng opthalmologist."

RELATED GALLERY: Things You Didn't Know about multi-talented mom Candy Pangilinan

Pagpapatuloy ni Candy, sa dermatologist niya nalaman na mayroon siyang shingles.

"When the derma saw it, sabi niya, 'Hindi 'yan ano-- It's shingles.' Agad niya akong binigyan ng reseta para sa shingles para mamatay 'yung virus. Then, pinapunta akong optha kasi tinamaan 'yung mata ko. chineck agad kung may scratch 'yung retina ko, baka mayroon din."

Kuwento pa ng aktres, nais sana siyang i-admit sa hospital para sa pain management pero pinili niyang mag-quarantine na lng sa kanilang bahay.

"They wanted to admit me for pain management, I opted to stay at home dito po, nag-quarantine po ako sa loob ng office ko. Nandito po ako magisa with all my gamot."

Isa pang ipinaliwanag ni Candy sa kaniyang desisyon na huwag muna magpakita sa anak niyang si Quentin.

"Hindi na rin ako nagpapakita kay Quentin kasi baka magsisigaw 'yun 'pag nakita 'yung hitsura ko, lalong mag-alala. Nag-uusap lang kami sa phone pero, siyempre, inaalala ko rin sila."

Panoorin ang vlog ni Candy dito: