
Nagbigay ng mensahe ang ilang ex-PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemates para kay Princess Aliyah sa naganap niyang grand debut celebration noong Biyernes, August 7, sa Manila Marriott Hotel.
Sa isang video na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center mula sa 18th birthday party ni Princess, ipinarating nina Caprice Cayetano, Lella Ford, Sofia Pablo Ashley Sarmiento, at Waynona Collings ang kanilang pagbati at kung gaano sila ka-proud para sa kanilang kaibigan.
"Hi Princess, this is Capcap. Happy, happy birthday. Ang wish ko para sa 'yo ay stay healthy and happy. I love you all aways," masayang sabi ni Caprice.
Pagbati naman ni Lella, "I wish and I pray na maging successful ka sa lahat ng bagay na gusto mong marating. Lagi mo lang tandaan na nandito lang ako lagi, everyday. I'm just one call away. Kung kailangan mo ako, nandyan ako."
Grateful din si Sofia sa kanilang friendship ni Princess. Sabi niya, "Thank you kasi nakahanap din ako ng sister sa 'yo. I'm really proud of the strong, independent woman na nagiging ikaw."
"It's not just a birthday but your 18th birthday. I love you so much and I hope you enjoy your birthday," mensahe naman ni Ashley kay Princess.
"Legal ka na, so there are so many new opportunities, new experiences. I'll be sure to be here for that. I'm just here for you," sabi ni Waynona.
Kabilang sa mga dumalo sa star-studded grand debut ni Princess Aliyah ay ang kapwa ex-PBB housemates, na naging bahagi ng kanyang 18 roses at 18 shots.
Related gallery: Princess Aliyah's simple charm and effortless style shine through