GMA Logo Carla Abellana necklace with green bones
Celebrity Life

Carla Abellana, may kwintas na laman ang green bones ni Delia Razon

By Marah Ruiz
Published March 22, 2025 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana necklace with green bones


May kwintas si Carla Abellana na laman ang green bones ng yumao niyang lola na si Delia Razon.

Isang espesyal na kwintas ang idinagdag ni Kapuso actress Carla Abellana sa kanyang koleksyon.

Laman kasi ng simpleng kwintas na ito ang isang piraso ng green bones ng yumao niyang lola at legendary Filipino actress na si Delia Razon.

Ibinahagi ni Carla ang ilang selfie niya habang suot ang kwintas na may heart-shaped pendant na gawa sa resin kung saan ipinaloob ang maliit na piraso ng buto ng kanyang lola.

"Back to work! Forever with Mamang now. These are her green bones. 🤍," sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Ang green bones na natatagpuan pagkatapos ng cremation ay pinaniniwalaang sign na mabuti ang kalooban ng yumao noong nabubuhay pa ito.

Pinipili ng iba na ilagay ang piraso ng mga butong ito sa alahas o iba pang display items dahil pinaniniwalaang nagdadala ito ng swerte sa mga naiwang miyembro ng pamilya.

Bago pumanaw si Delia, ibinahagi ni Carla Abellana na regular silang bumibisita sa kanyang maternal grandmother pero hindi nila ito ginagawa nang madalas bilang pag-iingat sa kalusugan nito.

"Bihira na lang. Siguro once a month nakikita namin siya kasi siyempre mas mahina na siya, prone to illnesses. Nag-iingat din kami na mag-visit sa kaniya," kuwento ni Carla.

Si Delia Razon o Lucy May G. Reyes sa totoong buhay, ay pumanaw noong March 15 sa edad na 94.

Isa siya sa kinikilalang top actresses ng LVN Pictures at pinakamagagandang mukha sa Philippine showbiz noong 1950s.