
Marami pang pasabog sa murder mystery drama na Widows' War.
Sa huling gabi ng hit series ngayong Biyernes, January 17, hindi dapat palampasin ang mga mangyayari sa mga karakter dito.
Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda na ipinalabas nitong January 16, may pahapyaw si Carla Abellana tungkol sa last scenes ng serye.
Ayon kay Carla, “Kahit may secrets na po kaming ni-reveal, mayroon pa po sa last episode.”
Paglalarawan pa niya, hanggang sa huling mga eksena ay may nakahanda pang twists na hindi dapat palampasin ng mga manonood.
“Magugulat po kayo. Hanggang very last episode po talaga, last few scenes, magugulat pa rin po kayo,” dagdag pa niya.
Ang A-list Kapuso actress na si Carla ay napapanood sa Widows' War bilang isa sa mga biyuda na si George Balay-Palacios, ang naulilang asawa ni Basil Palacios (Benjamin Alves).
Bukod sa kanya, bida rin sa serye ang kapwa niya bigating Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Samantala, sa nakaraang episode, labis na ikinagulat ng marami ang rebelasyon tungkol sa mastermind at Palacios killers.
Si Jerico ang utak ng mga krimen at sina Rico (Rikki Mae Davao), Cairo (Kiel Rodriguez), at Vivian (Lovely Rivero) naman ang killers.
Sabay-sabay nating panoorin ang huling episode ng hit murder mystery drama, ngayong Biyernes na, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.
Related gallery: Kulitan moments ng 'Widows' War' stars