GMA Logo carmina villarroel lianne valentin
What's on TV

Carmina Villarroel asks Lianne Valentin: "Totoo ba na nagkaroon kayo ng relasyon ni Zoren?"

By Maine Aquino
Published April 3, 2023 2:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DMW: Condition of Filipino seafarer hurt in Iran drone attack is improving
Duterte urges solons to listen to people; Bishop calls for prayer
Farm to Table: (May 10, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

carmina villarroel lianne valentin


Panoorin ang sagot ni Lianne Valentin sa nakakagulat na tanong ni Carmina Villarroel tungkol sa kanila ni Zoren Legaspi.

Ikinagulat ni Lianne Valentin ang tanong ni Carmina Villarroel na "Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?"

Itinanong ito ni Carmina sa unang beses na pag-guest ni Lianne sa Sarap, 'Di Ba?

Si Lianne ay nakatambal ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit. Silang dalawa ay gumanap noon bilang Stella at Cesar.

Napatigil si Lianne at nabigla, pero agad na humirit si Carmina, "Sa show! Sa show! Hindi pa ako tapos!"

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Nauwi sila sa tawanan pati na rin si Boobay na kasama nila sa cooking segment ng Sarap, 'Di Ba? Ayon pa kay Boobay, nakita niya rin ang pagkabigla ni Lianne sa tanong.

"Nagulat ako sa tanong, grabe po!" natatawang sagot ni Lianne.

Dahil sa pagkabigla ni Lianne ay nagpatuloy lang siya sa pagluluto at sabi ni Carmina, "Sagutin mo ang tanong ko."

Tugon ni Lianne, "Sa show?"

Natawa naman ang lahat nang sumagot si Carmina. Saad ng Sarap, 'Di Ba? host, "Sana! Dahil kung sa totoong buhay, ay naku! Baka mamaya ipa-guest na kita kay Boy Abunda."

Muling sabi ni Lianne, "Sa show po, opo."

Panoorin ang kanilang nakakatawang moment sa Sarap, 'Di Ba?

SAMANTALA, BALIKAN ANG GLAM PHOTOS NI LIANNE VALENTIN: