
Bumaha ang luha ng birthday girl na si Carmina Villarroel dahil sa espesyal na mensahe ng anak niyang si Mavy Legaspi.
Ibinahagi ni Mavy ang kanyang sweet na birthday message para sa kanyang mommy last August 20. Naganap ito sa special birthday episode ng kanilang programang Sarap, 'Di Ba?
Saad ni Mavy sa kanyang mommy, "Happy birthday to my love at first sight, my first love."
Ayon pa kay Mavy, mananatiling number one si Carmina sa puso niya.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
"Kahit 21 years old na ako, ikaw pa rin ang number one sa puso ko, always. Ikaw ang number one girl sa buhay ko at ikaw ang priority ko forever."
Dugtong ni Mavy ang pasasalamat sa ina.
"Gusto kong magpasalamat sa 'yo for being the queen of the house and like what Cassy said, for being selfless. You choose others before yourself."
Saad pa ng anak ni Carmina at Zoren Legaspi ay ang hiling niya para sa ina ngayong taon.
"Sana matupad yung pangarap ko this year, that you choose yourself this time before others because you deserve it."
Sa huli, isang nakaka-touch na mensahe ng pagmamahal ni Mavy kay Carmina ang napanood sa Sarap, 'Di Ba?
"I'll always say this, since I was a kid, until now, until forever na mommy, I love you for always, as long as I am living, my mommy you'll be. I love you and happy birthday."