
Sinorpresa ni Carmina Villarroel ang kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi sa kanilang 24th birthday ngayong Lunes, January 6.
Sa Instagram, ipinakita ng Widows' War actress ang kanyang "birthday salubong" para sa dalawang anak kung saan sinorpresa niya ang kambal ng cake. Nagbigay rin ng sweet message si Carmina para kina Mavy at Cassy.
"To our adorable twins, Happy Happy Birthday," pagbati ni Carmina. "You both bring so much joy and laughter into our lives and we are so proud of you guys!
"May your day be filled with all the things you love and deserve, and may the year ahead be filled with exciting adventures and endless happiness."
Dagdag pa ni Carmina, isang blessing para sa kanya ang makitang magkasamang lumaki ang mga anak.
"Having you both is our greatest achievement. We love you, [Mavy, Cassy]. More than words can say. I'll love you forever, I'll like you for always, as long as I'm living, my baby you'll be."
Happy birthday, Mavy at Cassy!
SAMANTALA, TINGNAN ANG NEW YEAR CELEBRATION NG LEGASPI FAMILY SA JAPAN DITO: