
Malakasang good vibes at kwentuhan ang handog ngayong weekend sa bagong original game show ng GMA Comedy, ang The People Have Spoken!
Ngayong Sabado (June 20), makisaya sa laro at kulitan kasama ang ating witty at energetic hosts na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Mapapanood din sa episode ang mga bagong celebrity pairs na susubukang pulsuhan ang boses ng People.
Makakasama rin sa susunod na episode ang mga bagong celebrity pairs na susubukang pulsuhan ang boses ng People.
Para sa Team ChanSu, magsasama ang celebrity dancers na sina Kamao actress Chanty Videla at comedienne Sugar Mercado. Makakaharap nila ang Team Kebab na binubuo ng content creators na sina Kevin Montillano at Euleen "Yobab" Castro.
Humanda sa mas high-energy na kwentuhan at tawanan kasama ang ating opinionated celebri-peeps na sina unfiltered podcaster Baus Rufo at outspoken advocate Joy Barcoma.
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang may chance na manalo ng PhP 200,000?
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang nakakatuwang pilot episode ng The People Have Spoken sa gallery na ito: