What's on TV

Charice Pempengco at Alyssa Quijano, ikakasal na rin?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 4:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire razes up to 25 houses in Catbalogan, Samar
Fire razes up to 25 houses in Catbalogan, Samar
GMA Network CMO Lizelle Maralag Named to Campaign Asia-Pacific's APAC Power List 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Susunod na ba sila kina Aiza Seguerra at Liza Diño.


Kinasal lang kamakailan sina Aiza Seguerra at Liza Diño sa US at pinaghahandaan nila ang isang simpleng ikalawang kasalan dito sa Pilipinas.

Paano naman kaya sina Charice Pempengco at Alyssa Quijano?

Sa panayam kay Charice ng Startalk, sinabi ng singer ayaw niya ang nagpaplano tungkol sa love life.

“Kasi nasanay kami na lahat, surprise sa buhay namin. So kung kailan namin mararamdaman, kung sabihin namin na after five years, e kung next year ma-feel na namin, or sa 2016 ma-feel na namin, gagawin na namin,” aniya.

“We will get there siempre hindi lang sa ngayon,” dagdag niya.

Kahit ang ina ni Charice na si Racquel ay excited din.

“Kahit ako na, nagbibiro ngayon,” sabi niya.

Nagkaayos na sina Charice at ang kanyang ina pagkatapos ng dalawang taong away-bati.

At nagpapasalamat sina Charice at Alyssa na nakita at natanggap ng kanilang mga pamilya kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

“It feels like we have everything. We are feeling fulfilled kasi nandiyan na ang pamilya namin to support us…,” ani Alyssa.

“Iba talaga ang pagkiramdam na nagiging mapagbigay ka para sa ikasasaya ng pamilya mo,” dagdag ni Racquel.