
Nitong May 23, ang miracle fruit juice ang isa sa mga recipe na ibinahagi ni Chef JR Royol para sa mga nais makatikim ng inumin na maraming health benefits.
Sa episode na ito ng Farm To Table, ikinuwento ni Chef JR ang kaniyang natuklasan tungkol sa miracle fruit o calabash fruit.
Saad ng food explorer, "Miracle fruit daw ito kasi marami siyang antioxidants at maraming benefits na makukuha."
Photo source: Farm to Table
Ibinahagi niya rin ang katangian ng miracle o calabash fruit.
"'Pag hinawakan mo siya para siyang solid na buko. Para siyang buko na very smooth tapos siguro more or less ito ay nasa tatlo hanggang limang kilo 'yung bigat niya."
Bukod sa miracle fruit juice may iba pang recipes na inihanda si Chef JR. Ito ay ang Native Chicken Confit with Atsara and Grilled Saba.
Mayroon ring recipe ng Longganisa with Sitaw and Mixed Bell Peppers.
Itinuro rin sa episode na ito ang paggawa ng atsara ng Uma Verde Farm sa tulong ni Chef Jon Ramos at ang pag-explore ni Chef JR sa farm para sa iba't ibang fresh ingredients.
Abangan ang iba pang recipes na ibabahagi ni Chef JR sa Farm to Table tuwing Linggo sa GTV.
Related content:
How to cook Arroz Frito Con Lechon and Lechon Sinigang sa Talinum
Chef JR Royol, nagbahagi ng ilang healthy recipes mula sa kaniyang fresh harvest