
Trending ang mga eksena ni Kapuso actress Cheska Fausto sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Gumaganap siya dito bilang Leila, isang abogado at sharpshooter na nagtatrabaho sa cybercrime division ng kapulisan.
May affair din ang karakter niya sa asawa ng hepe ng kanilang division.
Ayon kay Cheska, malayo daw sa pagkatao niya ang kanyang karakter na si Leila.
Sa katunayan, isinasantabi muna niya ang kanyang personal values para gampanan ang role.
"Sobrang taliwas siya sa belief ko as Cheska. When you're acting kasi, lahat ng mga blocks mo in life and your principles as you yourself talaga, let it go. 'Yun 'yung kagandahan doon kasi you get to tap into that kind of perspective din noong character mo," lahad ng aktres.
Sa takbo ng kuwento ng Taskforce Firewall, mas dumadami na ang nakakaalam tungkol sa affair nina Leila at Martin (Luis Hontiveros).
Malapit na ba itong makarating kay Isa (Kylie Padilla)?
Abangan 'yan sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulat ni Athena Imperial para sa 24 Oras sa video sa itaas.