GMA Logo Cheska Inigo
What's on TV

Cheska Iñigo, pinuri ang 'tagos sa pusong' ice performance ni Ina Feleo sa 'Hearts On Ice'

By Aimee Anoc
Published May 10, 2023 3:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano had 338 rockfalls, 72 PDCs —PHIVOLCS
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Cheska Inigo


"In pain si Ina nu'ng shinoot niya 'yun. But she skated beautifully. And talagang tagos-puso sa amin, sa akin." - Cheska Iñigo

Hindi lamang manonood ang napahanga ni Ina Feleo sa "tagos-pusong" ice performance niya kamakailan sa Hearts On Ice kung hindi maging ang cast at crew ng serye.

Noong May 4 sa ika-37th episode ng Hearts On Ice, isang nakamamanghang figure skating performance ang napanood kay Ina. Espesyal para sa aktres ang sayaw niyang ito kung saan ginamit niya ang kantang "Smile" ni Charlie Chaplin dahil, aniya ay, alay niya ito para sa yumaong ama at aktor na si Johnny Delgado.

Isa sa co-star ni Ina na napaiyak sa kanyang ice performance ay ang seasoned actress na si Cheska Iñigo.

"Ako sobra akong na-touch. Actually, alam ni Ina 'yan kasi sinasabi ko sa kanya, '[Ina] mag-skate ka? I'll come.' Pero hindi ko ini-expect at hindi ko alam na 'yun 'yung pipiliin niya and she was going to do her dance for Tito Johnny," kuwento ni Cheska.

Dagdag niya, "And then, in pain si Ina nu'ng shinoot niya 'yun. May slipped disc siya so she was in pain. But she skated beautifully. Hindi mo talaga maiisip what she was feeling, 'yung physical pain niya. And talagang tagos-puso sa amin, sa akin. Kapag kinukuwento niya, naiiyak pa rin ako."

Sa Hearts On Ice, napapanood si Cheska bilang Vivian, ang negosyanteng ina ni Enzo (Xian Lim) at fiance ni Gerald (Tonton Gutierrez), habang gumaganap naman si Ina bilang Coach Wendy, isang figure skating coach.

Patuloy na subaybayan sina Cheska at Ina sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG FIGURE SKATING JOURNEY NI INA FELEO SA GALLERY NA ITO: