GMA Logo Choi Jin hyuk
Photo by: real_jinhyuk (IG)
What's Hot

#GMAHOAAccess: Choi Jin-hyuk, pinakilig ang Pinoy fans sa Manila fancon; gustong bumalik ng bansa

By Aimee Anoc
Published November 12, 2024 10:49 AM PHT
Updated November 13, 2024 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DILG to check local officials' absence amidst Super Typhoon Uwan onslaught
Coastal area dwellers in Bacolod City lost houses anew
San Miguel Corp. waives tolls for gov't vehicles aiding Typhoon Uwan victims

Article Inside Page


Showbiz News

Choi Jin hyuk


Choi Jin-hyuk sa kanyang Pinoy fans: "I hope if there's any opportunity, I would definitely come back here to Manila to have a better time with you guys."

Kilig ang hatid ng Miss Night and Day actor na si Choi Jin-hyuk sa kanyang kauna-unahang fan concert sa bansa na ginanap sa New Frontier Theater noong Sabado, November 9.

Dinala ni Choi Jin-hyuk sa Manila ang kanyang "2024 Fan-Con Tour in Asia: Day and Night," na nagsimula sa Tokyo, Japan noong October 12.

Talaga namang kilig performance ang ibinigay ni Choi Jin-hyuk sa kanyang fancon sa bansa kung saan inawit niya ang ilan sa sikat na K-drama OSTs tulad ng "I Miss You" ng Stairway to Heaven, "Sonaki" ng Lovely Runner, at "I'm Saying" ng The Heirs.

Mayroon namang ilang maswerteng fans na naka-interact up close ang aktor at nakatanggap ng rosas, photocards, at yakap mula rito.

Inawit din ni Choi Jin-hyuk ang kanyang unreleased song na ini-record niya para lamang sa kanyang "Day and Night" fancon tour.

Thankful ang aktor sa mainit na suportang natanggap mula sa Filipino fans. Aniya, "The love that you give to me as a foreign actor is really amazing and unbelievable."

Kung mabibigyan ng panibagong pagkakataon, nais ni Choi Jin-hyuk na bumalik ng bansa at muling makasama ang kanyang fans.

"Thank you so much for coming. And, I hope if there's any opportunity, I would definitely come back here to Manila to have a better time with you guys."