Isang 14-anyos na dalagita ang nasawi matapos siyang masagasaan ng isang modern jeep sa Cebu City. Ang driver, nakaidlip umano.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat ni Katrina Son sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, mapanonood ang paglalakad ng grupo ng kabataan sa gilid ng kalsada nang mahagip ng humaharurot na modern jeep ang isa sa kanila.

Pumanaw sa ospital ang dalagita.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi napansin ng tsuper ang biktima matapos itong makaidlip umano.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang driver, na hawak na ng Cebu City Police.

Desididong maghabla ang ina ng biktima. — Jamil Santos/VBL GMA News