GMA Logo Christian Antolin, Marian Rivera
PHOTO COURTESY: Gerlyn Mae Mariano, marianrivera (IG)
What's Hot

Christian Antolin, inaming fan na fan ni Marian Rivera

By Dianne Mariano
Published April 25, 2024 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Antolin, Marian Rivera


Nakakatawang hirit ni Christian Antolin tungkol kay Marian Rivera: 'Hindi patas makipaglaban 'yan.'

Masayang nakapanayam ni Nelson Canlas ang content creator at actor na si Christian Antolin sa Updated with Nelson Canlas podcast.

Kasalukuyang napapanood si Christian sa primetime series na My Guardian Alien, kung saan binibigyang-buhay niya ang role bilang Sputnik, ang katiwala ng pamilya Soriano sa kanilang farm.

Sa naturang podcast episode, ikinuwento ni Christian na labis ang kanyang paghanga sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at talagang sinubaybayan niya ang mga naging teleserye nito noon.

"Fan po ako ni Ate Marian. Sobra. Talaga nu'ng MariMar, ginabi-gabi ko 'yun. Kasi 'yung teleserye pa 'yun ng mexican novela, love na love ko 'yung MariMar na serye. Tapos nung naging siya sabi ko, 'ay ang perfect naman nitong maging MariMar.' Simula nun, naging fan na ako.


"Hanggang sa Amaya, Darna, 'yun. Temptation of Wife, sobrang love ko na siya, naging fan na talaga ako niya, sobrang minahal ko na siya. And nu'ng nakita ko siya personally, sabi ko 'Hala! Para akong nananalamin,'" aniya.

Matapos ito, ikinuwento ni Nelson na mayroon siyang inamin sa renowned actress.

“Kasi 'di ba, bago kayo mag-interview, mag-aayos ka, magpapaganda ka talaga, tapos 'pag tumabi ka sa kanya ang panget mo na agad. Sabi ko, 'dalawang oras ako nag-ayos, Marian, 'wag kang ganun. Tapos ikaw parang nagising ka lang ganun,'" aniya.

Nakakatawang hirit naman ni Christian, “Hindi patas makipaglaban 'yan si Ate Marian.”

Dagdag ni Nelson, "Hindi nga, sabi ko, 'you're so unfair.' Sabi ko, 'maraming beses sinisi ko yung magulang ko dahil sa 'yo.' Sabi ko, 'bakit ba ako pinanganak na ganito? [laughs]."

Ayon pa kay Christian, ang nagustuhan niya kay Marian ay ang pagiging totoo nito.

"Ang nagustuhan ko kay Ate Marian, parang Kiray [Celis], maihahalintulad sila, what you see is what you get. Kung ano siya sa personal, 'yun 'yung magugustuhan mo at 'yun 'yung dapat tanggapin mo," saad niya.

Pakinggan ang buong interview ni Nelson Canlas kay Christian Antolin dito.


Subaybayan ang My Guardian Alien tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Prime.


KILALANIN ANG CAST NG MY GUARDIAN ALIEN SA GALLERY NA ITO.