GMA Logo Christian Antolin
Source: gmapublicaffairs (YT)
What's on TV

Christian Antolin, na-challenge sa karakter niyang si Sputnik sa 'My Guardian Alien'

By Kristian Eric Javier
Published May 17, 2024 7:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hussein Loraña, Naomi Marjorie Cesar rule athletics' 800m events at 2025 SEA Games
Baste Duterte slams opening of unfinished road project
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Antolin


Alamin kung bakit pinaka-challenging na karakter ni Christian Antolin si Sputnik ng 'My Guardian Alien.'

Feeling blessed at puno ng pasasalamat si Christian Antolin sa GMA Network na binigyan siya ng opportunity na mapabilang sa My Guardian Alien. Dito, nakatrabaho niya sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, Gabby Concepcion, Raphael Landicho, at Max Collins.

Mula sa paggawa ng skits online, gumaganap na siya nayon sa serye bilang ang katiwalang si Sputnik. Ngunit sa interview niya sa morning show na Unang Hirit, inamin ni Christian na ito rin ang pinaka-challenging na character na ginampanan niya sa lahat.

Aniya, “Nakakatawa kasi 'di ba, since ang dami ko ngang characters na pino-portray sa social media, katulad ng sabi n'yo, nailalabas ko siya sa TV, and isa ito sa mga challenging roles na ibinigay sa'kin, straight 'yung role ko dito, nakakatawa.”

Mula kasi sa mga nanay at female characters na pinasikat niya sa kanyang skits, isang straight na katiwala naman ang kanyang karakter sa serye.

Pagpapatuloy niya, “Pero naitatawid naman natin and nabibigyan naman natin ng hustisya.”

BALIKAN ANG MGA SOCIAL MEDIA STARS NA SINIMULAN ANG KANILANG SHOWBIZ CAREER NOONG 2023 SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa paggawa niya ng skits at content para sa social media, sinabi ni Christian na mas madali na ngayon kumpara dati.

“Dati sobrang tagal, pero ngayon, nagagamay ko na siya. Siguro mga hours ko na lang siya ginagawa. Three days, two nights nga siya dati e,” sabi niya.

Dagdag pa ni Christian, “Depende [pa rin] kung gaano kahaba 'yung skit.”

Bukod sa pagganap sa iba't ibang characters ay si Christian din ang nag-iisip ng mga concept ng bawat isa na ayon sa kanya ay base sa kanyang real-life experiences.

“Totoo, life experiences ko 'yun and 'yung iba, life experiences ng followers ko. Ang gusto ko, nakikita ng mga tao sa social media 'yung sarili nila, hindi lang ako,” sabi niya.

Pero paglilinaw ng social media star, hindi siya humihingi ng idea o content na gustong makita ng kanyang viewers sa kanila directly.

“Acually, observant kasi ako, talagang 'pag may nakita akong eksena na possible, and may isang sitwasyon na posibleng maging content, ginagawa ko,” sabi niya.

Sa huli ay nagpasalamat si Christian sa lahat ng mga nagmamahal, sumusubaybay, at sumusuporta sa My Guardian Alien.

Panoorin ang buong interview ni Christian dito: