GMA Logo angel castro
Photo by Nherz Almo
What's Hot

Claire Castro, nagpapakilala bilang Angel Castro sa kanyang showbiz comeback

By Nherz Almo
Published June 11, 2026 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: Net satisfaction declines for Senate, House, Supreme Court in 2026 Q1
Baha, Nasinati sa Minglanilla, Cebu | Balitang Bisdak
Independence Day celebrations and deals

Article Inside Page


Showbiz News

angel castro


Ayon kay Angel Castro, nakaranas siya nang depression kaya nagdesisyong lumayo muna sa showbiz.

Trigger warning: Mention of depression

Inamin ni Angel Castro na nagpalit siya ng screen name mula sa Claire Castro dahil sa pagkakapareho ng huli sa undersecretary ng Presidential Communications Office.

“Not to go too much into it, but there is another person named Claire Castro,” sabi ni Angel nang makausap siya ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media ngayong hapon, June 11.

Mahirap daw kasi makita ang kanyang pagkakakilanlan kapag sine-search online dahil mas maraming lumalabas tungkol kay Usec. Castro sa search result.

Paliwanag niya, “If you search her name, hindi mo makikita yung stint ko sa GMA, yung mga work ko. Natabunan po. So, I changed into my real name, which is Angelica.”

Si Angel ay huling napanood sa GMA Afternoon Prime series na Makiling (2024). Bago ito, naging viral din ang mga eksena ng dating Sparkle talent sa teledramang Nagbabagang Luha (2021), na TV adaptation ng classic film na may parehong titulo.

Related gallery: Get to know the real names of your favorite celebrities

Kasabay ng pagpapakilala niya sa bagong screen name ang pagbabago ng image ni Angel dahil ngayon ay kinikilala na siyang VMX Prime Crush.

Si Angel ay anak ng dating T.G.I.S. actors na sina Diego Castro at Raven Villanueva.

Inamin niya na hindi pa niya direktang sinasabi sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanyang pagpapa-sexy.

“Akala po nila Viva One,” natatawang sabi ng dalagang aktres. Agad pa niyang hirit, “Both naman talaga, sadyang nauna lang talaga ang Vivamax.”

Sa tingin ni Angel ay alam na rin ito ng kanyang mga magulang, partikular na ang kanyang ama, na isa na ngayong broadcaster.

“He probably knows already because he sees my posts on Instagram. Wala rin po siyang magawa kasi, siyempre, I make my own money; I live alone. And I'm much older so I don't think he has any qualms pa, and he knows that it's just acting.”

Para sa kanya, bilang anak ng dating celebrity couple, naging personal mission niya ang maging bahagi ng industriyang kinabibilangan noon ng kanyang mga magulang.

Aniya, “I was born during the era na artista pa ang parents ko. That's why they stopped, because of me. So, parang I want to continue yung hindi nila natapos.”

Related gallery: Celebrity kids who made it on their own

Ngunit kaakibat ng unti-unti niyang pagpasok sa showbiz noon ay ang mga negatibong komento, lalo na ang personal na pamba-bash ng publiko.

Ang hate comments daw na nakuha niya habang ginagawa ang Nagbabagang Luha ay nag-trigger ng depression ni Angel, na naging dahilan ng sandaling paghinto sa showbiz.

“Ang daming haters, death threats, whatever. Lahat na lang sa akin, nakikita nila. Kahit yung mga hindi ko nakikita sa sarili ko, nakikita nila. So, I went to a shrink, and I got diagnosed with depression. Talagang hindi ko po kinaya,” paglalahad ng aktres.

Sa palagay din niya ay wala pa siyang lakas ng loob noon para harapin ang pamba-bash sa kanya.

Aniya, “I feel like before mahina ako, wala akong backbone. If somebody calls me ugly, I will believe it. If someone tells me I'm bad at acting, I will believe it. If somebody says anything bad about me, I will believe it. Now, I don't. Kahit anong sabihin mong mali, I'd believe in myself. I know my flaws, pero I'm still confident about myself. Now, I'm much stronger, much wiser.

“I've recovered. I took two years off, and I feel like I really needed it.”

Pero ngayon, handang-handa na raw siyang magbalik sa showbiz.

“Now, I feel like I'm much more fierce and if you say something bad about me, I'm not gonna believe you. Even if totoong may something bad about me, wala akong pake basta I'm happy with myself,” pagtatapos ni Angel.

Related gallery: Celebrities open up about depression, anxiety, and other mental health issues