GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Clash of showbiz clans: Diaz Family at Medina Family, kaabang-abang ang tapatan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published August 18, 2026 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amid Habagat, Vince Maristela, Pokwang, more celebrities document struggles through traffic and flood
Public urged not to share unverified info on Zamboanga school shooting
Disney's Frozen The Broadway Musical heads to Manila in April 2027

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Narito ang mga aabangan sa showdown ng Diaz Family at Medina Family sa 'Family Feud' ngayong August 18.

Showbiz family legacy ang bibida ngayong Martes dahil Diaz Family at Medina Family ang maghaharap sa Family Feud.

Ngayong August 18, maglalaro sa Diaz Family ang mga pamangkin at kaanak ng beauty queen icon na si Miss Universe 1969 Gloria Diaz.

Nangunguna sa team si Illac Diaz, founder ng Liter of Light movement. Kilala siya sa kanyang social enterprise na nagdadala ng sustainable lighting solutions sa mga komunidad sa iba't ibang bansa.

Kasama rin niya ang kanyang pinsan na si Robin Diaz Da Roza na dating leading man noong 1990s. Nag-focus na si Robin sa negosyo at hospitality at ngayon ay resort proprietor na. Kasali rin ang licensed architect at entrepreneur na si Timmy Diaz Roa-Antonio, at ang dating runway model-turned businesswoman na si Cathy Diaz Da Roza.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa kabilang panig naman, haharap ang Medina Family na mga anak ng beteranong aktor na si Pen Medina. Siya ay kilala ng fans bilang si Hagorn sa original na Encantadia.

Pinangungunahan ang kanilang team ng award-winning actor na si Alex Medina, kasama ang kanyang kapatid na si Kathleen “Japs” Medina na nagtapos ng interior design.

Kasama rin sa laban ang panganay na si Karl Medina na nag-uwi ng Best Actor award sa CineFilipino Film Festival para sa pelikulang The Guerilla Is A Poet. Kumukumpleto sa team si Victor Medina na bahagi ng hit action series na Taskforce Firewall.

Abangan ang kanilang laban sa fresh episode ng Family Feud ngayong August 18, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.