GMA Logo Coach Jay
Photo source: 24 Oras, jayjoseph.j2x (IG)
What's Hot

Coach Jay, excited maging bahagi ng dance authority sa 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published May 27, 2025 1:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Coach Jay


Excited at puno ng dedikasyon si Coach Jay bilang isa sa mga dance authority sa upcoming reality dance show na 'Stars on the Floor.'

Handa nang magdala ang SB19 choreographer na si Coach Jay Joseph ng husay sa pagsasayaw sa upcoming dance competition na Stars on the Floor bilang isa sa mga dance authority.

Ayon sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Lunes, May 26, unforgettable moment daw para kay Coach Jay ang makasama sina Marian Rivera at Pokwang sa show.

Makakasama din ni Coach Jay si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards bilang host ng dance competition.

"Alam ko din na lagi akong sumasayaw, and then ngayon parang baka meron pang alam mo 'yun, may natatago pa akong pwedeng gawin na baka ibang tao yung makapagpalabas 'nun," sabi ni Coach Jay na sabik na sa iba pang mangyayari sa collab ng celebrity at digital dance stars.

Ikinuwento din nito na nagulat siya nang alukin siya para maging isang judge sa dance competition dahil sanay ito sa likod ng camera bilang choreographer ng SB19.

"Parang napatanong din ako sa sarili ko, it's about time siguro na sa lahat ng experience ko, mai-share ko din, magamit ko din at baka ito na din yung perfect time na binigay sa akin para maging judge sa TV," paliwanag ni Coach Jay.

Bukod sa Stars on the Floor, busy din si Coach Jay sa upcoming concert ng SB19 na Simula at Wakas World Tour sa Philippine Arena.

Kilala si Coach Jay bilang gumawa ng choreography ng "Gento," "Dam," at "Dungka" ng SB19.

Abangan si Coach Jay bilang Dance Trend Master ng dance authority panel sa Stars on the Floor ngayong June sa GMA.

Panoorin ang buong balita dito:

RELATED CONTENT: 'Stars on the Floor': Marian Rivera, Pokwang, Coach Jay take full command as dance authorities