
Sa pamamagitan ng isang vlog, ipinasilip ng online content creator na si Alexis Vines ang ilan sa behind-the-scenes ng last day of taping ng inaabangang GMA Public Affairs digital series na In My Dreams.
Ayon kay Alexis, dito nangyari ang isa pinakamahirap na kaniyang ginawa sa isang serye, at ito ay ang pagsakay ng bangka at tiisin ang init sa location ng taping.
Aniya, “As of now, ito na nga ang pinakamahirap na ginawa ko sa lahat ng taping na pinuntahan ko. Sobrang pahirapan kasi kaming mga cast na sumakay dito sa bangka kasi sobrang masakit sa paa 'yung mga bato na tinatapakan namin.”
Kuwento pa niya, dapat abangan ng mga manonood ang serye dahil sa kakaibang kuwento nito.
“Habang binabasa ko 'yung script [ko] binasa ko na rin 'yung buong kuwento nito at napakaganda talaga ng kuwento ng palabas na 'to basta abangan niyo,” ani Alexis.
Ang In My Dreams ay pinagbibidahan ng tinaguriang this generation's Most Promising Loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.
Makakasama dito nina Sofia at Allen, ang aktres an si Elijah Aleko at kanilang Luv Is: Caught in His Arms co-stars na sina Cheska Fausto at Tanya Ramos.
Kaabang-abang din ang mga karakter ng Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Juancho Trivino.
Bukod naman kay Alexis, abangan din ang iba pang content creators na sina Petra Mahalimuyak, Christian Antolin, Berniecular, at Prince Adrian Dagdag sa serye.
Mapapanood ang In My Dreams ngayong May 11 na sa lahat ng GMA online platforms.
SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: