
Usap-usapan ngayon sa social media ang recent posts ng content creators na sina Gavin “Ser Geybin” Capinpin at Elma Asagra.
Labis na ikinagulat ng netizens, fans, at followers ang rebelasyon tungkol sa kanilang breakup.
Sa Facebook post ni Elma, nilinaw niya na hindi lang sila for the views ni Ser Geybin kundi naging totoo talaga ang kanilang pagmamahalan bilang couple.
Sulat niya sa caption ng kanyang post, “Hi everyone. I know a lot of you have been asking about Gavin and me. Ang daming speculations! We really tried our best to work things out.”
“Yes, nakikita ninyo kaming masaya on-cam, pero sa likod ng camera, we also have our own problems and struggles na kami lang ang nakakaalam. Nilaban po namin hanggang sa huli,” dagdag niya.
Paglilinaw pa ni Elma, tunay ang naging samahan nila ni Ser Geybin, “I just want to clear things up. Hindi lang po kami “for the views” or anything. What Gavin and I had was real. Dumadating po siguro talaga 'yung time na hindi mo na mararamdaman 'yung mutual feelings. Sa love, kailangan parehas kayong nagmamahal…”
Isa naman sa mga ini-highlight ni Ser Geybin sa kanyang post ay ang pag-treasure niya sa “7 beautiful years” na pinagsamahan nila ni Elma.
Ayon sa kanya, “Elma and I had a beautiful 7 years, but kaylangan na po namin sabihin sa inyo na lahat po ginawa namin pero hindi po kami nagtagumpay isalba ang relasyon namin.”
Sa huling parte ng post ni Ser Geybin, hiniling niya na sana ay respetuhin ng netizens at kanilang followers ang kanilang naging desisyon.
Matatandaang bago ang rebelasyon tungkol sa kanilang breakup, sinagot at binigyang linaw ni Ser Geybin na hindi totoo ang cheating rumors tungkol sa kanya at mga kaibigan niyang nakita ng netizens na kasama niya sa ilang photos.
Related gallery: TikTok creators na may milyon-milyong followers online