
May bagong paraan na naisip si Hazel (Gladys Reyes) para makuha si Jessica (Caprice Cayetano) kay Manuel (Neil Ryan Sese), at ito ay ang kasuhan ang asawa ng kidnapping.
Sa teaser na inilabas ng Cruz vs. Cruz, pilit na pinapasama ni Hazel sa kanya si Jessica, pero patuloy naman siyang inaayawan ng anak.
Mas pinipili rin ni Jessica na manatili kay Felma kaysa ang sumama kay Hazel.
Samantala, bagong paninira ang pinaplano ni Hazel kay Felma. Binantaan din nito ang asawang si Manuel na magkita sa korte.
Subaybayan ang Cruz vs. Cruz, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: The cast of 'Cruz vs. Cruz' grace the GMA Gala 2025 in style