GMA Logo Daig Kayo Ng Lola Ko Gloria Romero tribute
What's on TV

'Daig Kayo Ng Lola Ko,' may tribute para kay Gloria Romero

By Aedrianne Acar
Published February 3, 2025 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David urges Catholics to pray for peace in Middle East on Maundy Thursday
Visitors in Boracay remember Holy Week traditions
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Daig Kayo Ng Lola Ko Gloria Romero tribute


Pangako ni Jillian Ward kay Gloria Romero: “Promise po, itutuloy pa rin po namin ang pagsi-share ng mga kuwentong puno ng aral, saya, at magic.”

May kurot sa puso ang episode ng award-winning weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko nitong Sabado, February 1 dahil sa special tribute ng programa para sa kanilang lead star at pinakamamahal na Lola Goreng na si Gloria Romero.

Nagluksa ang mundo ng Philippine showbiz nang kumpirmahin ng pamilya ng aktres na pumanaw ito sa edad na 91 noong January 25.

Ang mga dati niyang nakatrabaho sa Daig Kayo Ng Lola Ko tulad nina Jillian Ward, Chlaui Malayao, David Remo, at Frances Makil-Ignacio ang ilan lamang sa celebrities na nagbigay-pugay sa Queen of Philippine Cinema.

Napakinggan sa episode na umere nitong weekend ang voiceover ni Jillian na gumanap noon bilang si Alice.

Sabi ng Star of the New Gen, “Maraming salamat po, Lola Goreng.”

Pagpapatuloy ng Sparkle actress, “Hinding hindi po namin kayo makakalimutan. Promise po, itutuloy pa rin po namin ang pagsi-share ng mga kuwentong puno ng aral, saya, at magic.

“Para na rin po sa mga susunod pang henerasyon at kahit saan po kami magpunta. Proud po naming sasabihin, Daig Kayo Ng Lola Ko.”

Bumida sa all-new story ng Daig Kayo Ng Lola Ko na "My Crown Prince" sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Korean actor Kim Ji-soo.

RELATED CONTENT: CELEBS REMEMBER THE LATE GLORIA ROMERO