GMA Logo Lolong Dakila
What's on TV

#DaksSpotted: Crocodile mascot ng 'Lolong,' namigay ng libreng manok

By Marah Ruiz
Published August 15, 2022 11:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
US Democrats will try, and try again, to rein in Trump's Iran war powers
Novena begins for Manaoag centennial coronation

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong Dakila


Namigay ng libreng manok ang crocodile mascot ng 'Lolong' sa mga makakasagot ng trivia questions tungkol sa programa.

Very busy rin pala ang crocodile mascot na may abs ng dambuhalang adventure-serye ng primetime na Lolong.

Matapos kasi niyang sorpresahin si Kapuso Action-Drama Prince at Lolong lead star Ruru Madrid sa airport, gumala naman siya sa isang palengke sa Quezon City.

Muli siyang nakipag-selfie sa mga mga tao doon at nagpamalas pa ng kanyag dance moves.



Bukod dito, namakyaw pa siya ng mga buong manok na ipinamigay naman niya sa mga makakasagot ng trivia questions tungkol sa Lolong.



Sumama pa siya sa Cebu kung saan nag-mall show sina Ruru at isa sa leading ladies niyang si Shaira Diaz.



Samantala, ngayong gabi, August 15, magsisimula ang bagong yugto ng Lolong.

Magbabalik na kasi ang mga Atubaw, ang lahing inaakalang tuluyan nang naubos, para maghiganti.

Tunghayan ang lalong gumagandang kuwento ng Lolong, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.