
Viral ngayon sa social media ang latest TikTok video ng Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Ini-upload ni David ang video isang araw bago siya pumasok sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Sulat niya sa caption nito, “See you soon.”
Mababasa sa comments section ng posts ang reaksyon ng netizens na talaga namang kinilig sa pagpasok ni David.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1 million views ang video sa Facebook, habang sa TikTok naman ay mayroon na itong mahigit 960,000 views.
@davidlicauco See u soon
♬ original sound - Hans - 𝟑𝟎𝟑 Hans
Ipinakilala si David bilang bagong houseguest sa Bahay Ni Kuya nito lamang Linggo, May 4, isang araw matapos ang ikaapat na nomination night ng programa.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.