
Naging bittersweet ang pagpapaalam ni David Licauco bilang houseguest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Sa Chika Minute report sa 24 Oras, ipinasilip ang mga nangyari sa paglabas ni David sa Bahay Ni Kuya.
Inilahad din dito na nahirapan ang Sparkle actor sa pagpapaalam sa housemates lalo na't naramdaman niya umano na sobrang welcome siya sa iconic house.
Pahayag niya, “Kakaiyak ko lang e. Siyempre kasi 'yung goodbyes, siyempre naging close na rin sa housemates at environment. It was a hard goodbye to everybody.”
Ayon din kay David, isang masayang karanasan para sa kanya na naging isa siya sa celebrity houseguests sa programa.
“I'm really grateful for the experience. I am thankful to GMA for allowing me to experience Pinoy Big Brother kasi pangarap ko lang 'to noong bata ako,” sabi niya.
Sa isang Facebook post, ini-reveal ni David na noong 2015 ay pumila siya para mag-audition sa Pinoy Big Brother at bago naman magsimula ang bagong season nito ngayong 2025 ay na-consider umano siya bilang housemate.
Bukod sa kanya, napanood na rin bilang houseguests ang kanyang fellow Kapuso stars na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi, na kilala rin ngayon bilang hosts ng pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga nangyayari ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.