GMA Logo David Licauco
Source: sparklegmaartistcenter (Instagram)
What's Hot

David Licauco, unang Scout Ambassador ng Boy Scouts of the Philippines

By Jimboy Napoles
Published October 2, 2024 5:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thailand PM expresses hope for ceasefire with Cambodia
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Ipinakilala na si David Licauco bilang unang Scout Ambassador ng Boy Scouts of the Philippines.

Kasabay ng 88th Charter Anniversary ng Boy Scouts of the Philippines, ipinakilala na ang Pulang Araw actor na si David Licauco bilang kanilang pinakaunang Scout Ambassador.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Sa isang promo video, proud na nagpakilala si David bilang bahagi ng nasabing organisasyon at ibinahagi ang kahalagahan ng scouting.

"Hello, scouts! David Licauco po ang inyong Scout Ambassador. Isang karangalan ang maging bahagi ng isang organisasyong may napakalaking epekto sa mga kabataan.

"Hindi lang tungkol sa adventure ang scouting, tinuturuan din tayo nito ng life skills at binibigyan tayo ng kakayahang magsilbi sa ating mga komunidad," ani David.

Dagdag pa niya, "Mula sa pagiging handa sa ano mang hamon hanggang sa pagtulong sa panahon ng pangangailangan, ipinapakita sa atin ng scouting na kaya nating magdulot ng pagbabago.

"Bilang mga scout, isinasabuhay natin ang ating motto na 'Laging handa' mapa-kalamidad man o pagiging lider sa kalamidad."

"Proud ako bilang scout at inyong Scout Ambassador. Excited ako na makilala at makasama kayo at magbigay inspirasyon sa mas marami pang kabataan. Tandaan, sa scouting, laging handa tayong gumawa ng pagbabago," pagpapatuloy pa ng aktor.

Samantala, kamakailan ay ipinakilala rin si David bilang bago ring ambassador ng Save the Children organization kasama ang kaniyang ka-loveteam na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.

Napapanood din ngayon sina David at Barbie bilang sina Hiroshi at Adelina sa hit family drama ng GMA na Pulang Araw.

RELATED GALLERY: David Licauco talks about love, fame, being 'Pambansang Ginoo'