GMA Logo David Licauco
What's on TV

David Licauco, nagpabilib sa acting performance sa 'Pulang Araw'

By Jimboy Napoles
Published August 30, 2024 6:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Marami ang bumibilib sa ipinapakitang husay ni David Licauco sa pag-arte sa 'Pulang Araw.'

Tuloy-tuloy ang papuring natatanggap ngayon ng Kapuso actor na si David Licauco dahil sa kaniyang husay sa pag-arte na ipinapakita sa family drama na Pulang Araw.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni Alden Richards na sa kanilang apat na mga bida ng serye kasama sina Barbie Forteza at Sanya Lopez, si David ang pinakamalaki ang itinalon pagdating sa acting performance.

“Si David, ito talaga parang siguro sa aming lahat, si David 'yung pinakamalaki ang tinalon in terms of performance, in terms of portraying his character,” sabi ni Alden sa isang interview.

Kamakailan, pinuri rin si David ng award-winning writer na si Suzette Doctolero, na siya ring sumulat ng Pulang Araw, dahil sa kaniyang emosyonal na pag-arte sa isa mga madamdaming eksena sa serye.

“Pinatunayan ni David na mahusay siyang umarte, hindi nagpahuli. Lahat ng artista, sa kahit na anong istasyon, lagi sana nating bigyan ng chance to improve their craft. At nagagawa ito ni David. Siya si Hiroshi Tanaka. Arigato goizamasu, David!” post ni Suzette sa X.

Sa social media, marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay David dahil sa

Sa isang panayam, sinabi rin ng ka-love team ni David na si Barbie na proud siya sa ipinapakitang pagmamahal ng aktor sa kaniyang mga ginagampanang karakter.

“Sabi ko nga, umpisa pa lang nu'ng taping, nakita ko na 'yung sinimulan niyang mahalin 'yung craft, sinimulan niyang mahalin 'yung character ni Hiroshi,” ani Barbie.

Dagdag pa ng aktres, “Talagang in-embrace niya 'yung character, kinilala niyang mabuti kaya bawat performance niya, talagang nakikita mo 'yung improvement niya na nakakatuwa and nakaka-proud.”

Sinabi naman noon ni David na nagpapasalamat siya na maging bahagi ng Pulang Araw dahil dito ay naipapakita niya ang kaniyang mas mahusay na pag-arte.

"'Yan yung pinaghihirapan ko the past year. [I'm] super happy na nabigyan ako ng ganitong opportunity to showcase my talent. Hopefully, magbunga, sana ma-appreciate ng mga tao. Ako naman, talagang ginagawa ko lang 'yung trabaho ko, just doing my best para sa craft, para sa teleserye dahil maraming matututunan 'yung mga Pilipino dito," ani David.

Sa recent episodes ng Pulang Araw, napanood ang simula ng pagsubok at paghihirap ng karakter ni David bilang si Hiroshi dahil sa pagdakip sa kaniya ng mga konstabularyo at ang problemang humahadlang sa nararamdaman niyang pag-ibig para kay Adelina na ginagampanan naman ni Barbie.

Iikot ang kuwento ng Pulang Araw sa magkakababata na sina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards) na namuhay noong 1940s sa kasagsagan ng pamamalakad ng Amerika sa Pilipinas at sa pagdating ng mga mananakop na mga Hapones kabilang si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Sa pagsiklab ng World War II, magiging mitsa rin ito ng iba't ibang mga problema sa buhay ng apat na magkakababata.

Subaybayan ang Pulang Araw sa free TV, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Prime.

RELATED GALLERY: David Licauco talks about love, fame, being 'Pambansang Ginoo'