What's on TV

Dennis Trillo at Bea Alonzo, masayang magkakatrabaho muli ngayong mas experienced na sila

By Marah Ruiz
Published March 21, 2023 7:28 PM PHT
Updated September 19, 2023 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Bea Alonzo


Reunion project nina Dennis Trillo at Bea Alonzo ang 'Love Before Sunrise' matapos ang first team up nila 20 years ago.

Nagtipon ang cast ng upcoming drama series na Love Before Sunrise para sa isang script reading session.

Dito nila magkakasamang binasa sa unang pagkakataon ang ilang eksena nila sa script ng show.

Pinangunahan ito ng Love Before Sunrise lead stars na sina Dennis Trillo at Bea Alonzo, kasama rin si Andrea Torres.


Naroon din ang iba pang miyembro ng cast tulad nina Vaness del Moral, Sef Cadayona, Rodjun Cruz, Matet de Leon, Nadia Montenegro, Vince Maritesla, Cheska Fausto, at Ricky Davao.

"Siyempre habang binabasa ko 'yung script, nai-imagine ko siya, nai-imagine ko lahat ng cast. Pero habang sinasabi na nila, na binibigkas na nila 'yung mga linya, parang mas nagtatagpitagpi 'yung puzzles in my head on how this is going to come out so mas na-excite ako," masayang pahayag ni Bea.

"Very helpful para ma-prepare kami talaga sa first taping day namin," dagdag naman ni Dennis.

Masaya daw ang dalawa na muli silang magkakatrabaho matapos unang beses na magpares sa isang youth-oriented show dalawang dekada na ang nakakalipas.

"Pinanood ko ng two weeks dirediretso 'yung [Legal Wives]. Kahit from afar, from a distance, I have been rooting for him kasi I know how good of an actor he is. Ngayon na magkasama na kami ulit, it's also a big honor for me," kuwento ni Bea.

"Talaga? Thank you," tugon ni Dennis na hindi naman makapaniwalang nag-binge watch si Bea sa isang sa mga teleseryeng pinaghirapan niya.

Lalo pang naging espesyal para kina Dennis at Bea ang kanilang reunion project dahil sa layo na nang narating ng kanilang mga karera.

"Sobrang laking change talaga at sobrang happy ako sa lahat ng success niya ngayon kasi noong first time kami magkatrabaho, nagsisimula pa lang kami pareho noon sa mga careers namin. Perfect timing na makagawa kami ng show dahil alam na namin 'yung proseso sa paggawa ng TV saka movies. Feeling ko sobrang equipped na kami," lahad ng aktor.

Magsisimula naman sila sa taping ng Love Before Sunrise bago ang parating na Holy Week.

Ang Love Before Sunrise ay produksiyon ng GMA Entertainmeng Group at ang pangalawang serye na bunga ng historic collaboration sa pagitan ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service.

Panoorin ang buong panayam nina Dennis Trillo at Bea Alonzo sa 24 Oras sa video sa itaas.