What's Hot

Dennis Trillo at Julie Anne San Jose, ayaw mag-love life ngayong taon

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 11:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Tila iniiwasan ng Kapuso stars na sina Dennis at Julie Anne ang ma-in love ngayong taon. 
By CHERRY SUN
 
No to love life.
 
Ito ang tila New Year’s resolution nina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose ngayong taon.
 
“Focus ako sa trabaho kasi ang dami eh, puro pelikula and magagandang projects ‘yun,” saad ng aktor sa 24 Oras.
 
Nalalapit na rin ang pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang primetime series, ang Hiram Na Alaala.
 
Paanyaya niya, “Kung gusto nilang malaman kung ano ‘yung kahihinatnan ng bawat character, interesting din kasi malaman kaya abangan nila ngayong darating na linggo.”
 
Wala rin daw puwang para sa pag-ibig ang Asia’s Pop Sweet Heart na si Japs dahil school at career ang kanyang priority.
 
Naging maganda ang nakaraang taon para sa kanya.
 
Umabot ng Diamond record status ang kanyang self-titled album at nagdiwang din siya ng kanyang major concert, ang Hologram. Nakasama rin siya sa cast ng MMFF entry na Kubot kung saan nakatambal niya si Abra hindi lamang sa pelikula kundi pati sa theme song nito .
 
Mas marami pa raw gustong ma-achieve si Julie Anne ngayong taon.
 
Aniya, “I’m gonna be releasing another set of tracks but I think it’s gonna be a different one. Hopefully, more shows and concerts.”