
Sina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid ang bibida sa upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.
Sa story conference para sa serye, humanga ang dalawang aktor sa ganda ng kuwento pati na sa mga challenges na haharapin nila sa kanilang mga roles.
"Feeling ko dito, mas makaka-relate 'yung mga makakanood sa mga characters namin, hindi lang sa 'kin kundi pati sa mga characters ni Ruru at sa mga ibang artista dito," lahad ni Dennis.
Agad namang sumabak sa immersion si Ruru bilang paghahanda sa serye.
"Noong natutunan ko pong kilalanin sila at aralin po kung papano ba ang pamumuhay sa Tondo, na-realize ko na ganoon pala talaga sila kalalim na tao," paggunita niya sa kanyang experience.
Masaya din sina Dennis at Ruru na muling magkatrabaho matapos ang matagumpay nilang pelikula na Green Bones.
"Minsan lang kami magkatabaho ni Ruru pero pagka binibigyan kami ng pagkakaton magkatrabaho, talagang sigurado na maganda at saka isang malaking proyekto talaga," bahagi ni Dennis.
"Finally, ngayon sa isang teleserye, mas mahaba, mas maraming oras na magkakasama kami ni Kuya Dennis so I'm very excited," dagdag naman ni Ruru.
Image Source: gmadrama (Instagram)
Bukod kina Dennis at Ruru, bahagi rin ng serye sina Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Ramirez, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.
Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.
Samantala, panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.