GMA Logo dennis trillo and son calix ho
Source: Dennis Trillo?
What's Hot

Dennis Trillo ibinalita na maayos na ang lagay ng anak na si Calix matapos ang car accident

By Jansen Ramos
Published June 12, 2026 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

#RP612fic returns as Filipinos remix history for Independence Day 2026
Vendors in Davao City brgy affected by landfill closure
Check out this fun 'How to Train Your Dragon'-themed Viking adventure

Article Inside Page


Showbiz News

dennis trillo and son calix ho


Noong Mayo, ibinalita ni Dennis Trillo na na-total wreck ang sinasakyang kotse ng kaniyang anak na si Calix dahil sa isang vehicular accident pero laking pasalamat nila dahil hindi ito nagtamo ng major injury.

Nakakahinga na ng maluwag si Dennis Trillo dahil nasa maayos na ang kalagayan ang kaniyang panganay na si Calix kasunod ng isang vehicular accident.

Noong Mayo, ibinalita ng aktor na na-total wreck ang sasakyan ni Calix pero laking pasalamat nila dahil hindi nagtamo ng major injury ang kaniyang anak na isa ring fencing athlete.

"Sa awa ng Diyos, wala namang nangyaring masama sa kaniya except sa konting bruises at fracture sa kamay. Buti na lang yung fracture n'ya sa kamay, 'di yun yung ginagamit n'ya pang fencing, yung kaiblang kamay 'yung na-injure. Pero malapit na rin tanggalin 'yung cast n'ya and okay naman," sabi ni Dennis sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras kagabi, June 11.

Itinuturing nilang milagro ang nangyari kaya muli niyang pinaalalahanan ang kaniyang anak na laging mag-ingat.

Ani Dennis, "Sabi ko sa kaniya, napakaimportante na magpasalamat ka sa bawat oras na binibigay sa 'yo lalo na sa ganitong aksidente na wala masyadong napinsala, wala masyadong naabala. At siyempre ikaw lalo na 'yung buhay mo, napakaimportante."

Wala na dapat ikabahala kaya mas nakaka-focus na ngayon si Dennis sa taping ng upcoming Kapuso action-drama series na Hari ng Tondo, kung saan makakasama niyang muli si Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid.

Kung sa Green Bones ay gumanap si Ruru bilang jail guard at nakakulong naman si Dennis, sa Hari ng Tondo ay parehong persons deprived of liberty o PDL ang kanilang mga karakter na magtatagpo sa kulungan.

Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.

RELATED FEATURE: Celebrities involved in terrible accidents