
Positibo ang naging reaksiyon ng magkasintahang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa posibleng proyekto nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres sa GMA.
Ellen Adarna (IG)
Sa isang interview, sinabi nina Derek at Ellen na masaya sila para sa posibleng pagsasama nina John Lloyd at Andrea sa isang proyekto.
"Good for them. More blessings, more fun," reaksiyon ni Ellen, ayon sa ulat ng PEP.ph.
"That's true! Congratulations," tugon naman ni Derek.
"I mean, may project sila together. Maganda ang sitcom kasi it spreads good vibes. So, wala naman akong ano. Congrats!" dagdag pa nito.
John Lloyd Cruz (IG)
Noong Hunyo unang napabalita ang planong show ni Willie Revillame para kina John Lloyd at Andrea.
Si Andrea ang dating girlfriend ni Derek na ngayon ay engaged na kay Ellen, na ina naman ng anak ni John Lloyd na si Elias.
Samantala, balikan sa gallery na ito ang relationship timeline nina Derek Ramsay at Ellen Adarna: