
Excited na ang celebrity couple na sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa kanilang pagbabalik tambalan para sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Makiling.
Ito na ang ikalawang proyekto nina Derrick at Elle matapos ang matagumpay nilang pagtatambal sa Return To Paradise.
BALIKAN ANG KAGANAPAN SA FIRST MEETING NG MAKILING DITO:
Sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, ibinahagi nina Derrick at Elle kung paano nila sinusuportahan ang isa't isa para sa nasabing serye.
Kuwento ni Elle, “Malaking-malaking bagay po siya Tito Lhar kasi we understand each other already.”
Dagdag pa niya, “May pros and cons, we know our weaknesses, we know our strengths, where to put ourselves when in times of kailangan niya ng space or kailangan ko ng space. So, we know how to help each other.”
Pagbabahagi naman ni Derrick, hindi na rin sila naiilang ni Elle na maging prangka sa isa't isa pagdating sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa kanilang acting performance.
Aniya, “We're very honest with each other when it comes to like, 'Parang di ko nagustuhan 'yung performance mo doon, parang ang pangit ng ganito mo.' Kami lang ang puwedeng magsabi ng ganun kasi siyempre kami lang 'yung pinaka-honest sa isa't isa e.”
Handang-handa na rin daw ang dalawa para sa pagsisimula ng kanilang taping. Malaking bagay din para sa kanila ang ginagawang effort ng kanilang fellow actors at ng produksyon mula sa GMA Public Affairs.
“We're really really excited kasi like prepared kami, like we are equipped at ang ganda rin na nakikita namin 'yung effort not just from the cast but from the people behind the camera,” ani Derrick.
Bilang kanilang preparasyon sa serye, nagtungo raw sina Derrick at Elle sa isang nature spot upang sanayin ang sarili sa magiging lokasyon ng kanilang taping.
“We wanted to get away before the show starts para like peace of mind ganun. So we chose a spot na malapit din sa series 'yung may ilog, may bundok, probinsiya.” anang aktor.
Makakasama nina Derrick at Elle sa Makiling ang kapwa Kapuso stars na sina Kristoffer Martin, Thea Tolentino, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, Claire Castro, at Teejay Marquez.
Abangan ang iba pang updates sa Makiling sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.