
Pumirma ng kontrata ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio bilang bagong ambassador ng isang high-end fitness gym na Co Fitness o “Collaboration Fitness.”
Nangyari ang nasabing contract signing sa bagong branch ng nasabing gym sa Makati noong Biyernes, October 20.
Perfect sa kaniyang hilig sa fitness at body goals, masayang masaya si Derrick na maging ambassador ng nasabing gym club.
“Sobrang happy ko kasi nasa south ang Co Fitness and very accessible and ang ganda ng gym and kumpleto 'yun approach nila sa fitness,” ani Derrick sa GMANetwork.com.
Nagbigay naman ng tips si Derrick para sa mga nais ding simulan ang kanilang fitness journey at ma-achieve ang kaniyang impressive physique.
Aniya, “Start muna kayo sa bahay, aralin niyo muna. Master your body and then when you're ready to hold weights puwede na kayong mag-enrol sa gym. Kahit 'yung per session muna kayo, tingnan niyo muna and get used to it and eventually it will become a habit naman.”
Natutuwa naman si Derrick na maging inspirasyon ng ibang tao pagdating sa pagiging fit and healthy.
“Ang dami kong natutulungang tao tapos kapag nakakausap ko sila, kinukuwento ko sa kanila kung paano ako nag-start, kung ano man yung ginagawa ko, nai-inspire sila,” masayang sinabi ng aktor.
RELATED GALLERY: LOOK: Derrick Monasterio's road to being a weightlifting king
Samantala, trending din kamakailan si Derrick sa ginanap na Sparkle Spell 2023, kung saan dumating siya sa black carpet ng event sakay ng isang kabayo habang nakasuot ng isang Spartan costume.
Dito ay ipinakita ni Derrick ang kaniyang hard-earned body muscles at abs na tila isang totoong warrior.
Bukod naman sa kaniyang fitness habit, abala rin ngayon si Derrick sa taping ng upcoming mystery revenge drama series na Makiling.
Pagbibidahan niya ito kasama ang aktres at kaniyang girlfriend na si Elle Villanueva.
Makakasama rin nina Derrick at Elle sa series, ang tatawaging “Crazy 5” na sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro.