GMA Logo Derrick Monasterio
What's on TV

Derrick Monasterio, sasabak sa maiinit na eksena sa 'Makiling'

By Jimboy Napoles
Published October 20, 2023 3:42 PM PHT
Updated December 14, 2023 12:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Derrick Monasterio


Inamin ni Derrick Monasterio na may first time siyang gagawin sa bagong serye na 'Makiling.'

Handa nang painitin ng Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio ang bawat hapon ng mga manonood sa upcoming mystery revenge drama series na Makiling.

Ang nasabing serye ay ang ikalawang pagtatambal nina Derrick at ng kaniyang real-life girlfriend na si Elle Villanueva, matapos nilang magsama sa sexy drama na Return To Paradise.

BALIKAN ANG KAGANAPAN SA FIRST MEETING NG MAKILING DITO:

Sa isang panayam, aminado si Derrick na magiging challenging ang kaniyang bagong karakter sa Makiling kung saan mapapasabak siya sa maiinit at intense na mga eksena.

Aminado rin ang aktor na mapapalaban ang kaniyang toned at hard-earned muscles sa maraming maaaksyong eksena na first time niyang gagawin sa isang serye.

Aniya, “Sabi ko nga kay Direk, 'yung mga eksenang [may action stunts] na kaya ko namang gawin na walang double, ready po akong gawin.”

“Super excited na ako dahil first time kong gawin ito for a TV series,” dagdag pa ng aktor.

Kasama sa mga magsisilbing kontrabida at magbibigay pasakit sa mga karakter nina Derrick at Elle sa Makiling, ang tatawaging “Crazy 5” na sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Matatandaan na nakasama na nina Derrick at Elle si Kristoffer sa isang episode ng #MPK o Magpakailanman tungkol sa mag-asawang ginayuma ng kanilang lalaking kaibigan.

Samantala, magsisimula na ngayong linggo ang taping ng pinakamainit at tiyak na kahuhumalingang mystery revenge drama ng GMA Afternoon Prime sa 2024, ang Makiling.

Ito ang unang handog at pasabog ng GMA Public Affairs sa mga manonood.