
Masayang masaya ngayon ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio sa piling ng kanyang girlfriend at aktres na si Elle Villanueva.
Kasabay ng naging pag-amin ni Derrick sa tunay na relasyon nila ni Elle, may sweet Instagram post din ang aktor tampok ang bonding moments nila ng nobya.
“Living my most ideal life with #jamimi in it,” saad ni Derrick sa caption ng kanyang post.
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Derrick ang naging pagbisita nila sa Australia at ang sweet moment nila ni Elle sa kanyang 28th birthday celebration noong August 1.
Nagkomento naman ng love at butterfly emojis si Elle sa post na ito ng kanyang boyfriend na si Derrick.
Si Elle ay huling napanood bilang si Eva Sanchez sa matagumpay na live-action adaptation ng Japan anime series na Voltes V: Legacy.
Sa ngayon ay naghahanda naman sina Derrick at Elle para sa kanilang pagbibidahang GMA Afternoon Prime series na Makiling.
Ito na ang ikalawang pagtatambal nina Derrick at Elle matapos silang bumida sa seryeng Return To Paradise noong 2022.