
Iba't ibang roles na ang nagampanan ni Return To Paradise star Derrick Monasterio sa kaniyang showbiz career.
Sa guest appearance ni Derrick at Elle Villanueva sa "Surprise Guest with Pia Arcangel" podcast, ibinahagi ng aktor ang role na nais niya pang gawin. Ayon kay Derrick, gusto niyang gampanan ang karakter na mentally challenged.
Aniya, “Gusto ko mag-play ng mentally challenged person para alam ko rin 'yung pinagdadaanan nila, para maintindihan ko sila.
“Gusto ko talagang gawin 'yung mga gano'ng role para ma-gets ko sila [people with mental health conditions] at saka mas maging open-minded ako towards them. Not just people with mental health issues, but 'yung talagang sakit na talaga.”
PHOTO COURTESY: GMA Public Affairs (YT)
Kuwento pa niya, “In the end of our lives naman, gusto ko kasi may fulfillment ako na kaya kong maging open-minded sa lahat ng klase ng tao, sa lahat ng mga iniisip nila, nafi-feel nila, gusto ko ma-feel ko rin 'yon. I want to feel empathetic towards them. Masarap lang sa feel na maintindihan mo sila and makakatulong din sa akin 'yun, sa growth ko as a person.”
Kasalukuyang mapapanood si Derrick bilang Red Ramos sa Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, ALAMIN ANG CAREER ACCOMPLISHMENTS NI DERRICK MONASTERIO SA GALLERY NA ITO.