GMA Logo Convenience store cashier Richard
What's on TV

'Descendants of the Sun PH' Facebook account, naging daan sa panawagan ng isang frontliner

By Jansen Ramos
Published May 21, 2020 3:42 PM PHT
Updated May 21, 2020 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP-HPG: Zaldy Co's luxury car has fake license plate
NLEX to increase toll fees starting January 20
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Convenience store cashier Richard


Sa pamamagitan ng 'Descendants of the Sun' Facebook page, naihatid ng convenience store cashier na si Richard ang kanyang panawagan sa mga mamimili.

Dahil limitado ang bilihin sa palengke at grocery store, naging takbuhan ng ilan ng convenience store para bumili ng kanilang mga pangangailangan ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

Kaya naman pakiusap ng convenience store cashier na si Richard sa mga mamimili na sumunod sa mga precautionary measures tulad ng social distancing at pagsa-sanitize bago pumasok ng establisiyemento.

Sa tulong ng cast ng Descendant of the Sun, naidulog niya sa publiko ang kanyang panawagan sa ngalan ng iba pang essential workers dahil maituturing din silang frontliner na dapat pag-ingatan ang kalusugan.

Sa videong ipinost ng DOTS Ph sa kanilang Facebook page, pahayag ni Richard, "Ako po ay isang frontliner ng isang convenience store. Na-realize ko po na mahalaga 'yung trabaho sa araw-araw na pagpasok namin kasi kailangan po ng tao ang kanilang mga pangangailangan.

Ang gusto ko lang po sana ay sumunod sa social distancing at pagpasok po sa store ay mag-sanitize ng kanilang kamay para po maiwasan po natin ang pagkalat ng virus."

Bukas ang Facebook page ng Descendants of the Sun para sa mga frontliner na nais magpahayag ng kanilang sentimiyento ngayong panahon ng pandemya.


RELATED CONTENT:

Cast ng 'Descendants of the Sun Ph,' anu-ano ang mga natutunan sa panahon ng ECQ?

'DOTS' Alpha Team, sumabak sa 'Jojowain o Totropahin' challenge

Sino sa 'Descendants of the Sun PH' hunks ang nakatanggap ng indecent proposal in real life?