
Marami sa fans ng Kapuso Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nag-aabang sa kanilang pag-babalik-tambalan sa isang teleserye at ngayong 2023, maaaring matupad na ang matagal nang inaasam-asam ng fans.
Sa interview ni Lhar Santiago sa Chika Minute, inamin ng dalawa na marami silang pinaghahandaang proyekto ngayong 2023.
Nang tanungin ang power couple kung magkakaroon sila ng teleserye together ngayong taon, ang sagot ni Marian, “Magkasama, meron naman.
“May magbabalik na magkasama kaming dalawa,” dagdag ni Marian.
Wala pang binibigay na detalye ang dalawa tungkol sa naturang proyekto, pero in-assure ni Dingdong ang mga fans nila na marami silang pinaghahandaan this 2023.
Sinabi rin ni Marian na ready na raw siya uli umarte matapos ang ilang taong hindi niya paglabas sa isang serye o pelikula.
“Kung na-miss niyo ako, mas na-miss ko kayo kaya abangan niyo yan,” sabi nito.
Matatandaan na sa isang interview, nag-tease na ang Kapuso Primetime Queen ng isang project na sana nga raw ay matuloy ngayong 2023.
“Definitely, sana makita na nila ako. Sana matuloy 'tong project na 'to. And then, may mga gagawin ako sa regional kaya abangan nila ako,” aniya.
Sa hiwalay na interview, inamin din ng aktres na mas pinili niyang alagaan ang pamilya niya habang lumalaki pa ang mga anak na sina Zia at Sixto, kesa ang karera.
“Malinaw sa'kin na family talaga ang priority ko which is my husband at saka 'yung dalawang anak ko. So as long as kailangan ako ng family ko, family muna,” sabi nito.
Pero nilinaw din niya na pag pwede na siyang bumalik sa pag-arte ay babalikan niya ito.
Samantala, sinabi rin ng asawa niyang si Dingdong na may mga naka-line up rin siyang mga proyekto para sa taon, ngunit hindi pa ito nagbigay ng karagdagang detalye.
"Sa ngayon yung Family Feud and Amazing Earth. 'Pag sigurado na 'yung petsa kung kailan, malalaman naman nila. But yes, naka-lign up na yan this year plus many others and hopefully also a movie,” sabi nito.
Ipinahayag din ni Dingdong ang excitement niya na makapag-bigay ng “variety of shows” sa mga manonood na pinag-hahandaan nila ngayong taon.
“Kung ano man iyan, hindi pa po namin masasabi pero definitely marami po kaming pinag-hahandaan this 2023,” aniya.
TIGNAN ANG MGA SERYE AT PELIKULANG PINAGTAMBALAN NINA DINGDONG AT MARIAN: