GMA Logo dingdong dantes on family feud
What's on TV

Dingdong Dantes, binalikan ang pagiging host ng 'Family Feud' taong 2009 sa GMA

By Jimboy Napoles
Published March 24, 2022 11:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes on family feud


Naalala mo pa ba nang maging host si Dingdong Dantes ng Philippine edition ng 'Family Feud' sa GMA noong 2009?

Matapos ang halos labing tatlong taon, muling nagbabalik si Dingdong Dantes bilang host ng sikat na game show sa buong mundo--ang Family Feud.

Noong 2009 naging host si Dingdong ng Family Feud sa GMA Network nang pansamantala siyang humalili sa main host nito noon na si Richard Gomez.

Ngayong 2022, nagbabalik si Dingdong bilang game master ng nasabing family-oriented game show.

Sa Instagram, ipinakita ni Dingdong ang posters ng programa noong 2009 at ngayong 2022 kung saan makikita na walang pinagbago sa itsura ng aktor.

Ayon sa aktor, masaya siya na muling maging host ng nasabing programa pagkatapos ng maraming taon.

Aniya, "13 years apart! Grabe! Mukha bang may pinagiba? Haha! I'm so excited and grateful to be hosting Family Feud AGAIN! Truly an honor to be back, at sa pinakasikat na family game show sa buong mundo pa! Hope you enjoy the show with your family and friends, guys!."

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Agad naman na nagkomento sa post na ito ni Dingdong ang kanyang misis na si Marian Rivera.

"Sana All #MasGuapoLalo," ani Marian.

Sa isang panayam naman, inamin ni Dingdong na feeling at home siya sa kanyang bagong programa.

Aniya, "Through this game show Family Feud ay makikita talaga nila kung sino ako behind the camera.

"Kung paano ako sa bahay ganun din ako sa stage kasi isipin mo 'yung stage parang bahay ko siya, e, kasi I welcome families every episode and kumbaga para akong host sa tahanan [na nagtatanong] 'O, kumusta ka?' 'O, laro tayong families,' so very at home ang pakiramdam."

Manood at tumutok sa Family Feud, araw-araw 5:45 ng hapon sa GMA.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng mga naging achievement ni Dingdong sa showbiz sa gallery na ito.