GMA Logo Dingdong Dantes
What's on TV

Dingdong Dantes, dubbed ang boses sa 'Royal Blood?'

By Aimee Anoc
Published September 20, 2023 4:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Bakit kaya nag-iba ang boses ni Napoy sa "Entrapment" episode ng 'Royal Blood' noong Lunes? Alamin dito.

Ipinaliwanag ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kung bakit nag-iba ang boses ni Napoy sa "Entrapment" episode ng Royal Blood na napanood noong Lunes, September 18.

May mga manonood na nakapansin na tila "dubbed" ang boses ni Napoy sa nasabing episode. Komento ng netizen na si Lawiswis, "Ako lang ba nakapansin, umiba boses ni Napoy? Hahaha may nag dubbed kay Dong eh."

Sa Instagram post, ibinahagi ni Dingdong ang nangyari kung bakit iba ang boses nito sa "Entrapment" episode kung saan nagsagawa na ng entrapment ang mga pulis para mahuli na ang pumatay kay Gustavo.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Sa huling tatlong gabi ng Royal Blood, sa kabila ng pag-amin ni Margaret (Rhian Ramos) na siya ang pumatay kay Gustavo Royales, marami pang kapana-panabik na mga tagpo ang hindi dapat na palampasin sa serye.

Noong Martes (September 19), inamin ni Margaret na hindi lamang ito nag-iisa sa pagpatay kay Gustavo at may kasabwat ito. Sa inyong palagay, sino kaya ito?

Patuloy na subaybayan ang huling tatlong gabi ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.