GMA Logo Dingdong Dantes and Tirso Cruz III
What's on TV

Dingdong Dantes, pinuri ang husay ni Tirso Cruz III bilang Gustavo sa 'Royal Blood'

By Aimee Anoc
Published September 19, 2023 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Tirso Cruz III


"Isang matinding standing ovation sa napakahusay na pagganap ni Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales." - Dingdong Dantes

Sa nalalapit na pagtatapos ng Royal Blood, isang nakatutuwang appreciation post ang ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa multi-awarded actor na si Tirso Cruz III.

Sa hit murder mystery series, napapanood si Dingdong bilang Napoy, ang illegitimate child ng business tycoon na si Gustavo Royales, na ginampanan ni Tirso.

Sa Instagram post, pinuri ni Dingdong ang "napakahusay na pagganap" ni Tirso bilang Gustavo.

"Isang matinding standing ovation sa napakahusay na pagganap ni Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales. Bravo!"

Isang video rin ang ibinahagi ni Dingdong mula sa set ng serye kung saan kasama nito ang batikang aktor at crew ng Royal Blood.

Tanong ni Tirso, "Sino ang pumatay sa akin?" Sagot naman ng crew, "Kami!"

Isang post na ibinahagi ni Dingdong Dantes (@dongdantes)

Noong Lunes (September 18) sa Royal Blood, inamin na ni Margaret (Rhian Ramos) na siya ang pumatay kay Gustavo Royales. Pero sa kabila ng pag-amin na ito, marami pang dapat na malaman sa serye. Totoo kayang may kasabwat si Margaret sa pagpatay kay Gustavo? At sino naman kaya iyon?

Patuloy na subaybayan ang kapana-panabik na mga tagpo sa huling apat na gabi ng Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.