GMA Logo Dingdong Dantes and Lola Tessie in Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Dingdong Dantes, inimbitahan sa 'Family Feud' ang tagahangang si Lola Tessie

By Maine Aquino
Published May 14, 2026 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alas Pilipinas Women fall short against Thailand in SEA V Cup
Miss Supranational 2026 Katrina Llegado's evening gown is inspired by the sunrise
Minor dies, companion hurt in road accident in Toledo, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Lola Tessie in Family Feud


Agad na pinagbigyan ni Dingdong Dantes ang hiling ng kanyang fan na si Lola Tessie na personal siyang mapanood sa 'Family Feud!'

Isang heartwarming at masayang tagpo ang napanood sa Family Feud studio matapos tuparin ni Dingdong Dantes ang matagal nang pangarap ng kanyang avid fan na si Lola Tessie.

Si Lola Teresita Lim, o mas kilala bilang Lola Tessie, ay fan ni Dingdong mula sa Batangas. Sa isang online exclusive ng Family Feud, ibinahagi ng kanyang pamilya kung gaano kalaki ang paghanga ni Lola Tessie sa Kapuso actor-host.

Nakarating kay Dingdong ang hiling ni Lola Tessie matapos niyang mabasa online ang post ng kanyang apo, kaya agad siyang gumawa ng paraan para personal silang magkita sa Family Feud.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Ayon kay Dingdong, "Hi, for your lola... tara, let's make it happen. I-kalendar na natin 'yan. I'd love to have her as our special guest around the first week of April. G?"

Hindi rin maitago ni Dingdong ang saya matapos nilang mag-bonding ni Lola Tessie.

“The best. Kailangan mag-enjoy si Lola dito. 'Yun ang goal natin dito,” kuwento ni Dingdong.

Balikan ang mga naganap sa pagkikita nina Dingdong at Lola Tessie sa Family Feud:


Samantala, patuloy na manood ng fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang biyernes, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.