
Hindi lang bagong skills ang natutunan ni Descendants of the Sun star Dingdong Dantes habang naka-quarantine dahil may nadiskubre rin siyang panibagong ugali ng asawa niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Ikinuwento rin ni Dingdong na bumilib siya sa pasensiya ng kanyang misis sa pag-aalaga sa mga anak nilang sina Zia at Ziggy pati na rin sa kanya.
“Magkaroon ka ba naman ng mahabang presensiya 'tapos isang asawang makulit, ay talagang grabe 'yung pasensiya niya,” aniya.
Dingdong Dantes to launch a delivery app; showbiz workers to serve as riders
Ibinahagi rin ng Dantes couple na ginagawa na lang nilang productive ang bawat araw habang nakapirmi pa rin sa kanilang bahay.
“Wala naman tayong choice kundi talagang yakapin itong panibagong mundo natin ngayon.
“Alam namin na balang-araw ay matatapos din itong pagsubok na ito basta sama-sama, tulung-tulong at basta manalig tayo na hindi tayo pababayaan,” pahayag ni Marian.
Bakit nalito si Dingdong Dantes sa kanyang ginawang photo shoot ni Marian Rivera?
Marian Rivera gives Dingdong Dantes a buzz cut!
Samantala, hindi na bago sa publiko ang ginagawang activities ng Dantes Squad ngayong may quarantine dahil ibinabahagi nila ito sa kanilang social media accounts.
Una nang ipinakita ni Dingdong ang song cover nila ni Zia ng “Stand By Me,” na kinagiliwan ng marami.
Ayon kay Dingdong, isa ang paggigitara at pagtugtog kasama si Zia sa mga bonding nila habang naka-quarantine.