
Masayang back-to-back birthday celebration ang inihanda para kay Dingdong Dantes.
Sa kaniyang post, ipinakita ni Dingdong ang birthday celebration sa Family Feud at sa The Master Cutter. Ang birthday ni Dingdong ay gaganapin ngayong August 2.
PHOTO SOURCE: Dingdong Dantes (Facebook)
Unang pinasalamatan ni Dingdong ang Family Feud. Ayon sa aktor at host, ang Family Feud ang naghanda ng "paunang piging" sa kaniyang kaarawan.
Saad ni Dingdong, "Kain po! Salamat, Family Feud Philippines, sa paunang piging na ini-handa ninyo para sa akin. I really appreciate it…"
Sunod na ibinahagi ni Dingdong ang kaniyang birthday celebration sa The Master Cutter.
Ani Dingdong, "Habang nasa taping.. masayang surpresa mula sa aking The Master Cutter family!"
Sa ulat ng 24 Oras, inilahad ni Dingdong na para sa kaniyang birthday ngayong taon ay may trip sila ng kaniyang asawa na si Marian Rivera at mga anak na sina Zia at Sixto. Magsi-celebrate naman ng birthday si Marian sa darating na August 12.
"Magsho-short trip kami, somewhere for both our birthdays. Kasi 'yun din 'yung bakasyon ng mga bata, so may kaunting window pa sila to have a short vacation."
Patuloy na subaybayan si Dingdong Dantes Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud, 5:35 p.m. at The Master Cutter, 8:00 p.m. sa GMA.
Dingdong Dantes: The remarkable journey of a true Kapuso icon