
Kitang-kita ang closeness ng Royal Blood father-daughter duo na sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Sienna Stevens sa ilan nilang online videos na magkasama.
Tulad na lamang ng cute TikTok dance video na ito nina Dingdong at Sienna na agad na pinusuan ng maraming netizens at umabot sa 4.1 million views sa loob lamang ng 21 hours.
Sa online exclusive video namang ito, game na sumabak sa interview si Sienna kasama si Dingdong kung saan sumagot sila sa ilang mga katanungan.
Isa sa tanong na sinagot ni Dingdong ay kung ano ang sasabihin nito sa 7-year-old self nito, na siya ring edad ni Sienna ngayon. Sa pagsagot sa tanong, kasabay na rin ang payo ng aktor sa batang aktres.
"Wish ko kasi noon mas maging mahilig pa ako magbasa so siguro 'yung advice ko sa seven years old self ko, 'Read more.' Pero 'yung totoong books ah. Pwede rin naman 'yung sa digital pero iba pa rin talaga 'yung sa books," sabi ni Dingdong.
Pagpapatuloy ng aktor, "And then probably, sasabihin ko, 'Engage more into sports.' Kasi kapag seven years old iyon 'yung magandang simula. Tapos finally siguro love your parents and your siblings more."
Sa Royal Blood, gumaganap sina Dingdong at Sienna bilang ang mag-amang Napoy at Lizzie.
Patuloy na subaybayan sina Dingdong at Sienna sa Royal Blood, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa GMANetwork.com.
Balikan ang mga kaganapan sa pilot week ng Royal Blood sa exclusive video na ito:
KILALANIN ANG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: