What's Hot

Dingdong Dantes, nais mag-guest ang 'It's Showtime' hosts sa 'Family Feud'?

By Kristine Kang
Published March 10, 2024 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Henri G, naimpluwensyahan ni KZ Tandingan na maging isang mang-aawit
Goats stabbed, hit hard to death in Iloilo
How motorists can save on fuel costs as oil prices rise amid Middle East tensions

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Sino-sino pa kayang mga artista ang gusto ni Dingdong Dantes makasama sa 'Family Feud'?

Bigating stars ang makikisaya sa weeklong anniversary ng gameshow na Family Feud, kasama syempre ang host na si Dingdong Dantes.

Sa isang panayam sa 24 Oras, nagkuwento ang Kapuso Primetime King kung sino-sino ang mga makikilaro sa mga susunod na special episodes ng programa.

"Nandiyaan yung reunion ng Bubble Gang, yung aking anak-anakan na si Jada, Jada Avanzado. Napagkakamalan kasi na Dingdong Avanzado at saka Dingdong Dantes. Nako, napakasayang usapan namin ni Jada 'yan," sabi ni Dingdong.

Dapat ding abangan ang mga sikat na 2000s to late '90s stars kagaya ni Rocksteddy sa anniversary special ng game show.

Nang tanungin si Dingdong kung sino pa ang gusto niyang maging guest, ang sagot niya, "Grupo ng Showtime, dahil matagal na namin silang inaabangan. Si JenDen, kasi dati si Barbie at saka si David, naglaro na. JenDen na lang. Nako, si Mr. Gabby Concepcion."

RELATED CONTENT: Malalaking showbiz personalities, naglaro sa bagong season 'Family
Feud' ngayong 2023



Dahil sa napakalaking selebrasyon na magaganap sa programa, buong din suporta ang ibinigay ng celebrity wife at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Bumisita ito sa set at nakisaya sa studio audience.

Kwento pa ni Dingdong na nag-eenjoy ang kaniyang anak na si Zia sa programa. Sa sobrang tuwa niya sa palabas, pati sa bahay ay laging nilalaro ang Family Feud.

Mapapanood ang paboritong game show, araw-araw tuwing 5:40 ng hapon sa GMA.