GMA Logo Dingdong Dantes
Source: dongdantes (IG)
What's on TV

Dingdong Dantes, paano kinakaya ang sunod-sunod na mga proyekto ngayong taon?

By Aedrianne Acar
Published July 12, 2023 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP arrests Atong Ang co-accused in missing sabungeros case in Batangas
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Dingdong Dantes: “Ready ako hanggang sa end of the year na mag-all out.”

Lagare sa trabaho ang Kapuso Primetime King at award-winning actor na si Dingdong Dantes, dahil kabi-kabila ang projects na kaniyang gagawin para sa mga natitirang buwan ng 2023.

Kahit naka-season break ang top-rating game show na Family Feud Philippines, busy naman si Dingdong sa primetime series niya na Royal Blood. Lilipad din siya sa darating na August kasama si Marian Rivera para sa ilang show sa Middle East para sa 18th anniversary ng GMA Pinoy TV.

Dagdag pa diyan ang pagpo-promote ng fifth anniversary special ng infotainment show na Amazing Earth. Inanunsyo rin kamakailan na kabilang ang pelikula nila ni Marian na Rewind sa official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Tanong tuloy sa kaniya ng press sa idinaos na online media conference kahapon (July 11) ng Amazing Earth kung paano niya hina-handle ang kaniyang hectic schedule.

Pag-amin ni Dingdong, “So far okay pa naman. So far kayang-kaya pa naman. Gaya nga ng sinabi ko, dahil eto lahat-lahat ng ginagawa ko is sobrang gusto ko. 'Di ba, I love my job and siguro nagkataon lang na sabay-sabay.

“Pero, pagdating naman sa execution I'm fortunate to have very good managers and people I work with na talagang naayos nila na maging humanly possible naman na magawa ko lahat without having to sacrifice anything, in terms of quality bonding with [my family].

“But like what I said also and I'd like to say it again basta pinakamahalaga sa lahat hindi ako mawalan ng oras sa aking pamilya.”

Wala rin daw sa plano ng Kapuso primetime star na mag-slow down sa pagtatapos ng taon, lalo na at magiging busy sila sa pag-promote ng entry nila sa MMFF.

“Yes!”, sabi ni Dong , “Ready ako, ready ako hanggang sa end of the year na mag-all out.”

Source: dongdantes (IG)

Amazing Earth team

Sa naturang online media conference para sa fifth anniversary presentation ng Amazing Earth, hindi rin nakalimutan ni Dingdong na magbigay pugay sa team ng kaniyang multi-awarded show sa dedikasyon nila sa kanilang trabaho.

Aniya, “Most, if not all the credit kailangan mapunta sa kanila sa amazing team, behind Amazing Earth.

“Kasi, dito natin makikita 'yung kung gaano sila kade-dedicated and gaano sila ka-resilient sa pagdating sa pag-iisip ng mga kuwentong na parati na puwede nilang ibigay sa mga manonood.”

Inalala rin ng Kapuso Primetime King ang hirap na pinagdaanan nila nung kasagsagan ng COVID-19 pandemic para makapaghatid ng makabuluhang istorya para sa mga manonood ng Amazing Earth.

“Going back to my story about the pandemic a while ago, doon natin nakita at na-gauge na parang, 'Uy! Ano gagawin natin dito, kasi kung wala na tayo maikuwento dito baka 'di na tayo magpatuloy'.”

“But, kudos to the team sobrang naka-isip sila ng paraan kung paano natin gagawin ito, kung paano magpatuloy. And, luckily we are still here right now.”

HANDSOME PHOTOS OF THE AWARD-WINNING ACTOR DINGDONG DANTES: