GMA Logo Dingdong Dantes
Source: Bill Ernest Ti Yu/ Dingdong Dantes (Facebook)
What's Hot

Dingdong Dantes sa mga batang artista ngayon: 'Naniniwala ako na they will become better'

By Jimboy Napoles
Published May 24, 2024 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Livestream: May 12, 2026
BFAR-11 steps up to help Davao City fisherfolk amid El NiƱo threat
Here are the winners of The Miss Philippines 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Ano kaya ang masasabi ni Dingdong Dantes sa mga batang artista ngayon?

Naniniwala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na may kani-kaniyang paraan ang mga batang aktor ngayon kung paano sila magtatagumpay at mas magiging mahusay sa kanilang napiling larangan.

Sa contract renewal signing ni Dingdong sa GMA Network kamakailan, eksklusibo siyang nakapanayam ng GMANetwork.com, kung saan tinanong siya kung ano ang maipapayo niya sa young generation of artists upang marating din ang matagumpay na showbiz career na mayroon siya ngayon.

Makahulugan naman ang naging tugon dito ni Dingdong. Aniya, “Mahirap magpayo kasi alam mo ang control ko lang ay 'yung sa sarili ko e. 'Yun lang ang meron akong control over.”

Dagdag pa niya, “Para sa akin, I just always strive to be the best version of myself whether sa pagiging isang ama, sa pagiging isang anak, sa pagiging isang asawa, pagiging isang aktor 'yun lang kaya kong ma-control.”

Pero ayon kay Dingdong, naniniwala siya na mas magiging mahusay pa ang mga batang aktor ngayon.

Aniya, “Pero 'yung sa kanila, mahirap kasing sabihin na ganito dapat pero one thing is for sure, ang gusto ko para sa kanila ay well - magtsi-cheer ako sa kanila because definitely naniniwala ako na they will be better, they will become better.”

Sa nasabing panayam, tinanong din si Dingdong kung ano ang biggest accomplishment niya sa ngayon bilang isang aktor.

Sagot niya, “Para sa'kin ang biggest accomplishment ko siguro ay 'yung relationships that I've been kasi para sa akin 'yun ang pinakamahalaga dahil you know 'yung talent lilipas 'yan, minsan magaling ka rito, minsan hindi, may mga programang minsan okay, minsan hindi, panalo, talo, pero one, yung mga relationship, accomplishment para sa akin na nananatili itong relationships sa akin.”

“Pangalawa, ay siyempre 'yung kailangan 'yung constant strive for you to always improve yourself kasi alam mo naman na everytime na may bago kang haharapin na mas mahirap, so kailangan may drive ka and strive to always be the better version of yourself as a performer,” ani Dingdong.

Dagdag pa niya, “Finally, achievement para sa akin 'yung abilty to not quit especially when times are hard. So, if you can see hindi siya accomplishment na literal but it's really a flame of mind and a feeling.”

Samantala, kamakailan lang ay idinaos ni Dingdong ang ikalawang general assembly ng itinatag niyang organisasyon na AKTOR - League of Filipino Actors.

Dinaluhan ito ng maraming artista sa showbiz kabilang ang ilan sa mga itinuturing na haligi ng entertainment industry na sina Tirso Cruz III, Vilma Santos-Recto, Boots Anson-Roa, Christopher De Leon, at Charo Santos-Concio.

Present din dito ang mga batikang artista at mga bago pa lamang sa industriya.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Samantala, patuloy naman na nagbibigay saya si Dingdong bilang game master ng laging trending na game show sa GMA - ang Family Feud.

Ang naturang programa ay nagdaos din ng kanilang ikalawang anibersaryo nito lamang buwan ng Marso. Masaya rin si Dingdong na patuloy itong sinusuportahan ng maraming manonood.

Aniya, “Hindi namin akalain na aabot ng ganito, two years na ang Family Feud - dalawang taon nang nagbibigay weeknights halos araw-araw ng entertainment sa ating mga manonood kaya napakasaya ko na maging bahagi ng show na 'to.

“Isang biyaya talaga na makasampa sa entabladong ito at makilala parati 'yung mahuhusay at magagaling na participants natin araw-araw at higit sa lahat 'yung maging vehicle o kaya maging isang tagapag-hatid ng tulong sa ating mga charity na pinipili ng ating winning team araw-araw.”

RELATED GALLERY: TRIVIA: Things you need to know about Dingdong Dantes